2012 na. ano kaya mangyayari sakin sa year of the dragon??
meron pala nangyari na sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang nangyari sakin
umuwi ako samin sa tacloban city para doon i-celebrate ang new year. december 29 pa lang ng umaga nakita ko na mukha ng pamangkin na di ko alam kung natutuwa o nagtataka na lumabas ako galing sa malaking ibon. pero yakap naman cya agad sakin pagkakarga ko sa kanya (na miss ko tuloy). nilagay na ni papa gamit ko sa bag.
speaking pala sa mga dala kong bagahe, dalawa dala ko noon, isang backpack na 25Liters at maletang 20Kilos na ang laman ay puro mga delata na pasalubong ng tita ko sa nanay niya. nasa backpack ko pala nagkasya mga damit ko.
pagdating ng bahay yakapan na sa mga tao don at hingian ng regalo. pulubi ata ako non kasi wala akong maibigay..hehe kahit ano pa man ang presensya ng bawat membro ng pamilya ang higit na nagpasaya samin lahat. sa bakasyon kong yon puro gala lang ata ginawa ko, kasi dami naghanap sakin sa bahay di ako mahagilap. alams na parang artista lang daming nag-aabang..hehe
sinulit ko lang ang limang araw na bakasyon ko kaya wala akong ginawa kundi pahirapan ang 3 years old kong pamangkin sa kakasama sakin sa paggala..hehe (nagtour lang kami sa subdivision..hehehe)
pero madami naman akong nagawang may kabuluhan. nagpa renew na ako ng passport within 2hours, nakauwi sa southern leyte para makita mga lolas at mga kapamilya ko don. sayang di ko nakita lolo rito (RIP) ko, yon na pala ang huli kong punta na buhay pa siya. patawad lo..
nagcelebrate ang sun alley gang ng yearly christmas/new year party at ang daming tanduay ice di naman naubos, natambak lang sa ref namin. pagkatapos ng putukan nagsitakbohan kami sa tapat ng bahay ni ninong babes para sa agawan ng pera. malas ko lang kung perang papel ang tinatapon nauunahan lagi ng mga matatangkad na halos itulak ko na sa pagkakaagaw sakin. kapatid ko pala yon..hehehe ok na lang din para di na ako makapagbigay ng cash gift don. naisip ko rin na paghumingi sakin ng cash gift isisigaw ko sa mukha niya na "ibalik mo sakin yong inagaw mong bente pesos sakin..huhu".. kapag barya naman, walang sinasanto sa tulakan kahit nanay ka pa ng bespren ko. magchuchuri na lang at tawa sa pagtulak.. (kasi naman ang agawan ng pera pam bata, di pang matanda)..hehe
dumating ang huling gabi ng bakasyon ko. parang bitin masyado. naisip ko pwede kayang umabsent pa ng ilang araw, kaso may ticket na ako ng zestair nasa 2K plus din yon sayang din..hayz..
gumising ako ng mga 4am para magprepare. naghanda ng breakfas parents ko tas kwentohan muna kasi 6:35 pa naman flight ko. mga 5:30 nong nagpaalam na ako sa kanila. nakarating ako sa zestair check-in counter ng 5:55am, sabi ba namin sakin na di na daw pwede ako makapag-check-in kasi kanina pa nagboarding ang mga pasahero..WTF!!! gulat much.. sabi ko ang aga ng plane nyo ah tapos sabay paawa kung pwede pa ako sumakay. sabay labas ng counter at kinausap ang piloto.
pagbalik "sori miss di na pwede sabi ng piloto"
paawa uli ako "kuya sige na pakisabi uli sa piloto na late lang ako ng pagdating, ang layo pa ng biyahe ko. ala una pa ng madaling araw ako nagbibiyahe.."
lumabas uli si kuya. antay lang ako. inisip ko non ano pa kaya pwede kong gawing alibi? tulad ng nangyari sakin non sa airphilippines na 1hour kaming nasa ulap paikot-ikot lang na kinakabahan na dahil sa oras na yon dapat nakaupo at nasa loob na ako ng cebupacific flight pauwi ng tacloban..hehehe ibang pangyayari na yon na di ko na uulitin pa..hayz
pagbalik uli ni kuya sabay sabi "mam sori di na pwede napirmahan na ng piloto yong dokumento eh", sabay kuha ng e-ticket sakin at nilagdaan niya may kasama pang dedication "late upon check-in"..
malas unang pasok ng taon. ang resulta 38 hours na nakikipaghalikan pwet ko sa upuan ng bus.. buti na lang walang sore pwet..hehehe
kinabukasan na award sa office. sinisi ang zestair sa punctuality nya.
LESSON: be on time. pagsinabing dapat 2 hours before boarding andon na, dapat andon na 3hours before boarding. kaya next time di na ako sasakay ng zestair..hehehe