Friday, November 30, 2012

Danao Adventure Park: the PLUNGE

seated at the edge, silently praying and a nervous smile

preparing to be released! heart pumping ride

"booms away"


the inevitable picture picture..
:) another ultimate adventure
the PLUNGE ride cost 700php but its worth the experience.. i wanna do it again and i'll do the head first then

Wednesday, April 18, 2012

11 NOT SO interesting things about ME..



11 lang?hehehe..


1. Describe your feelings right now.
=> gutom..gutom..gutom (lagi ata ako gutom eh..hehehe)

2. Kung ikaw ay isang pagkain, anong putahe ka? 
=>  isa lang?hirap naman..

3. Is there anything you own that you can't live without and why?
=> panty..hehe di ako makakaalis pag wala ako non..

4. How does uhog or nasal mucus taste like?
=> taste like candy minus the sweet..hehehe

5. Would you rather be attacked by a huge bear or a swarm of bees?
=> huge bear..you have 20% of survival pa..

6. What's the best compliment you've ever received?
=> kids don't lie. on our descend from mt. balagbag, group of kids was shouting "ang sexy niya" sabay turo sakin.weeh ako daw..lumapit ako sabay tanong "sino?", sabi ng bata sabay turo sakin "ikaw sexy"..pinaulit ko uli baka na bingi lang ako, di pa rin nagbago sagot nya "sexy ako"...hahaha

7. Kung isa ka sa 5 senses ng ating katawan, ano ka at bakit?
=> sense of smell. pinaka sensitive sa lahat ng senses ko at since type ko mga matatangos na ilong..wala lang..

8. What have you done the day before yesterday?
=> pababa ng bundok (mt. damas), rappelling, river trekking - in short pinahirapan ang sarili.

9. Proud ka ba sa bansa mo? Paano?
=> proud. akalain mo ba naman nabubuhay pa rin ako. ibig sabihin di magulo sa bansa ko..hehehe 

10. What advise can you give to the government future leaders?
=> be honest, fear God, love your countrymen

11. Where do you think you'll be in five years?
=> trekking machu picchu 
11 Random Things About Me

1. bundokera (hobby lang naman dahil masyadong mahal ang gusto kong hobby..sky diving)
2. takot sa caterpillar and all its relatives
3. loves chocolate especially DARK chocolates
4. gala (lahat ng yaya sama lang, at laging napapagalitan dahil lahat ng yaya sagot ko lagi "go" kahit lahat conflict..hahaha sabi nga nila "refusing an offer is an insult"..hehehe so GO)
5. home buddy (pag wala lang naman gala or akyat..)
6. can stay 2 days laying in bed lang.. kaya! 
7. loves reading novels
8. beach lover
9. very sentimental
10. music lover (i know how to play the guitar)
11. still don't know what to do with my long and curly hair

Donnie of The Donnie Ray

ang Batang excited pumasok sa school



naalala ko tuloy nong bata pa ako excited na excited ako pumasok sa school kc may bago akong mga gamit. katulad na lang sa nanyari sa pamangkin ko na sobrang excited kahit wala pang gamit pumasok na. ikaw ba naman di ma excite kung lagi siyang tinatanong "When ka school wash?", sagot naman niya "ugma.. (bukas daw pasok na cya)"..kay siguro nong sinabi ng mama ko start na yong pasok nila super excited siya.

monday, April 16 excited na si joash pumasok sa school kaso pinauwi sila ni mama kasi daw walang pasok.

mama: wash, uli na mo ni ate krisna. wa pa sulod. (wash, uwi na kayo ni ate krisna. wala kayong pasok.)

joash: ngano wala man sulod? (bakit walang pasok?)

mama: gisakitan ug tiyan ang teacher. (sumakit tyan ng teacher.)

joash: gisakitan ug tiyan ang teacher? (sumakit tyan ng teacher?)

mama: oo

joash: aw

nagworry si mama basin ugma pangutan-on ni joash ang teacher kung gisakitan ba siya ug tiyan..hahaha
--------------------------------------------------------------------------------------------------------

pagka gabie nanawag ko sa balay. ask ko asa si joash. ingon ni mama natulog na kay school pa daw siya inagkaugma..hahaha excited ang bata..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------
1st day of school ni joash:

gitawag sa teacher para magpakilala. joash hing tindog ug miadto sa front.

teacher: What is your name?

joash: my name is joash cagalitan.

clap ang mga classmates

pagkagabie tawag sila mama, giisturya ang natabo sa first day ni joash. sayop man to si joash. ask ko kastoryahon na ko siya.

me: wash, what is your name?

joash: my name is joash cagalitan.

me: oi kuwang man na. imong name kay reynan joash deuel cagalitan. utro ta be. what is your name?

joash: my name is deuel cagalitan.

me: dili lagi. kuwang lagi ba. pamati lagi nako. imo name reynan joash deuel cagalitan. utro, what is your name?

joash: dili ko reynan..

mymisay na wendang-- toinkz.. na wa na..bata pa lang tapulan na. makahuman bakaha ka..

me: utro. hala lain na lang na pangutana. where do you live?

joash: i live in veeeeingeee tacloban city..

me: (natoliling kay ang naklaro lang tacloban city.)hala sige. how old are you?

joash: ..silence..

mama: say iyang gi-tudlo. pila man na bhe?

joash: one, two, three

mama: isulti kang mymisay..

joash: three. one two three four five six seven eight nine ten

mama & me: very good. kabalo na magcount..hehehe

--------------------------------------------------

bisdak ni si joash. bisag magwaray  me sa balay, bisay ra iya masulti although makasabot siya kung warayon. kung makigduwa sad  siya sa ubang bata sa gawas magbinisaya gihapon. karon kay sugod na iya
klase, naghunahuna me tanan kung makasinabot ba ni sila kang joash ug iyang mga classmate na waray-waray.

while didto sa school, nakigduwa si joash sa iyang mga classmates. tungod nga tabian siya, kung naa isulti si joash ug pangutana ang pirme tubag sa iyang mga classmates "oo"..hahaha

nakatawa si mama nagtan-aw nila kay bisag wa nakasabot sa gisulti ni joash nagkasinabot man gihapon pagduwa..


--------------------------------------------------

2nd day of school ni joash

PAPA's text:

say, abi nimo c  joash ako gipangutana kon unsay ilang gibuhat sa skol hain ba na gitubag man ko na nag mulay daw sa iyang uyab. pastilan nanguyab ra diay sa skol..

me: hahaha. chickboy na bata pa lang..hahaha


Tuesday, March 27, 2012

gabgalab oh.. Bundok Balagbag

my group decided to schedule a Mt. Balagbag climb, and since I also needed a training climb for Pulag. The group, which was composed of Me, Vic, mam Rona, TJ, Joryl and sir Gerry, prepared the things and foods needed for our 2 days itinerary. We met up at McDo PhilCoa at 1PM and we also had our lunch there. then  took a bus bound to Tungko (P45.00). At Tungko terminal deretso lang tumpok na ang the Licao-Licao terminal papuntang brgy. Licao-licao, the fare was 27.00. After the winding trip, pangatlong klase ng transportation, tricycle naman sinakyan namin. tigtatlo lang ang sakay na tao plus backpack at siningil kami ng 25.00 per head, which was worth every centavos sa sobrang rough ng road at uphill pa. lagi pwesto ko pag tricycle sa back ride. Nauna kami dahil pinili ng driver namin ang malilit ang katawan na pasahero (maliit na daw ako sa tingin ni kuya driver). nahirapan ata yon isang tricycle sa mga pasahero niya, mga damulag naman kasi mga sakay non, malamang kulang pa pamasahe nila sa damage don sa tricycle. since I wasn’t full pack I was leading the group.

pagdaan ng gate, doon sa bahay mag papa register. private property pala yong aakyatin namin.

di ako nagbasa about Mt. Balagbag since we knew someone whom we can ask for directions. It turned out na dapat talaga magbasa. May daladala akong 3.5 Liters of water sa backpack ko cause I thought walang source of water, yan tuloy nagpakahirap pa ako dalhin meron naman pala mapagkukunan don..hmmp..

dapat na talaga palitan pangalan ng grupo namin, LAGING LIGAW mountaineers. naligaw uli kami at as usual  inabot na nga kami ng dilim. nalagpasan na pala namin yong steel gate sa kaliwang bahagi ng daan papuntang camp site, buti na lang may mga tao kaming nakasalubong at tinuro ang tamang daan.

ayan na si sunset..
Habang pabalik kami, nag fetch ng water ang mga barako namin (barako talaga?..hehe). Kaya pala may mga dala silang empty containers. At sa wakas nakita rin namin ang malaking gate na nilagpasan lang namin nong dumaan kami. Ako unang lumapit sa gate, patay lock. Buti na lang at binalikan kami nong mga mamang napagtanongan namin sabay sigaw nasa gilid ang daan. Tinunton ko ang sinabi niya at bongga nakita ko ang trail sign..hahaha grabe lumunlag lahat ng kuko ko at sa wakas di na uli kami maliligaw.

Gradual lang yong ascend niya pero naman feeling ko walang kataposan yong lakaran. Mga ilang minotong pahinga at lakad may naririnig na kaming ingay sa taas. Ang seste lang eh parang dead end na yong trail at lumalayo na kami sa mga boses na nagtatawanan. Check uli kami sa trail at tumigil, sabay isip-isip kung dederitso sa bangin or magbubutas ng bagong trail. Buti na lang si sir Gerry dumiretso at di pala bangin yon, paliko pala ang daan kaya kung titingnan parang bangin na cya. Tuwang-tuwa naman mga kuko ko..haha at sa wakas nakarating na din kami sa camp site.
pahinga while nag-iisip "bat ko pinahihirapan  sarili ko dito"?

medyo madami na din tao don. So we decided di na lumayo pa baka wala na din mapwestohan, sabagay kasya naman ang apat na tent sa pwesto na nadaanan namin. Ang sarap ng hangin don at ang lakas pa.

matapos makapag pitch ng tent at makabihis, nagprepare ang mga boys ng food. Ang girls kasi pinagsisilbihan yan, kaya waiting lang kami.. ang damulag naming kasama lagi kami inuutosan kaya galaw-galaw na din kami.

umaambon don kaya naglagay kami ng malaking fly sheet para di mabasa ang mga pagkain namin. At may gulay ang sarap ng pagkaing niluto ni TJ, sinigang na baboy. meron din kaming fruits.

mga pulubi lang kasi kami kaya yan lang nakayanan namin kainin..
after ng dinner, sinimulan na ang socials. as usual laking si pareng alak ang pinagtritripan.

di ko tuloy maalala kung tumulong ba ako non magligpit ng kinainan? pero parang.
maliit na daw tingin ni kuya driver sakin nyan..hehehe

the BARAKOS...

my concert din sa bundok.. only in Mt. Balagbag
di naman talaga ako umiinom kaya ginagawa nila akong taga tagay. sa grupo kasi namin may labanan ang boys versus girls. patagalan lang naman sa alak. sympre taga tagay ako alams na.. madami bigay ko sa mga lalaki para madaling malasing at panalo kami..bias eh.. girls power rules!.. yon nga talo ang mga boys. ang isa di na nakarating sa tent. nakakahiya ipost ang picture.. kawawa din talo na nga eh.
umagang kay lamig...
may tindahan pala ng alak sa tapat namin, ayon at lasing pa ang bata..hehehe
 since lasing cook namin, late na nakapag luto ng agahan. kinailangan na din namin magligpit dahil maya-maya lalabas na si haring araw. ayaw ko ma burn skin ko na di naliligo ng dagat, wala kasing justice don.
group pic daw minus ako

iniwan na kami sa kapipicture...

may nakapayong sa unahan??
pagbaba namin, dumaan uli kami sa bahay at nag log out na rin. hanap kami ng lugar na maliligoan. sa falls kami na padpad. 8 falls tawag don sa pinuntahan namin kasi daw shape ng 8 yong baba non.
picture uli bago bumababa papuntang falls
private property uli yong napasukan namin. uso kasi don ang gawing private ang daan papuntang falls kaya nagbayad kami ng 5.00 papunta don pero libre na guide ni kuya. pwede rin daw kami magluto don sa bahay nila sa baba at manguha ng pananamin nila pero we opted deretso na sa falls at don na lang magluto.

falls..di lang makita yong shape niya..sayang..





matapos mag lunch, swimming, at magpahinga nagprepare na uli kami para umalis. di kami naka bihis dahil river trekking pala gagawin namin. baka mabasa lang pang-uwi kong damit, isang pares lang dala ko. makikiligo na lang kami pagdating sa terminal.

ito ata pinaka murang climb ko sa taong 2012. sana madami pang ganito..na alams na MURA..hehehe

BTW: if you plan a day hike in Balagbag better protect your skin from the scorching heat of haring araw.

Lesson: always bring umbrella in every climb. may it rain or sunny. it's better when you're ready.

Wednesday, March 14, 2012

Spelunking sa Mt. Manalmon

matapos marating ang summit ng Mt. Manalmon, sunod na ang spelunking.

nagpahinga muna kami ng sandali sa cottage bago tumawid sa ilog. may dalawang option ng pagtawid dito. kung takot ka sa taas at di pinagpala sa tangkad, ito para sayo


the RAFT. 5 pesos lang bayad jan sa dalawang minutong pagtawid..hehe
boring..nakaupo lang..hehehe
at sa mga gusto ng ibang paraan ng pagtawid, ito bagay sayo:

the MONKEY CROSSING. sa layo ng pinuntahan di pwedeng di ko matry to..
tubig lang naman babagsakan eh..hehe
kakaiba talga tong monkey crossing. first time tumawid kaya excited.. hehe 

matapos makatawid lahat, may konting trekking papuntang entrance ng cave. nahirapan ang iba naming kasama dahil medyo matarik, matatalim ang mga bato na inaapakan namin at tirik na tirik ang araw.

the GIRLS

the BOYS

matapos ang maikling orientation samin ni kuya Mel, nagsimula na ang adventure.

rappelling para makapasok sa cave..
nakasurvive sa rappelling..


need ipagkasya ang sarili para makatawid..

upu style at kasunod ang kiss-the-wall naman

stalactites..

statue ni san gabriel.. hindi na ito ang original dahil di na daw nabalik yong original
dito rin sa cave na'to nakakita kami ng mga buto ng tao


picture picture muna bago mag-isip pano makakapasok ang sexy-chubby kong body..hehehe
gapang kung sa gapang kaysa maiwan..hehehe
smile pa rin kahit pawisan at amoy ewan na..hehehe

si kuya mel nag-aantay saluhin ang mahuhulog..hehehe joke lang wala naman may nahulog samin..

akalain mo may hagdanan pala don..hehe
at ang finale..hehe 

kakaiba talaga ang experience sa cave. may gapang, kiss-the-wall style, paupu, at may lambitin pa sa baging..ang saya grabe. naalala ko tuloy ang una kong spelunking sa wawa cave na nag-iwan sakin ng permanent remembrance. sa tatlong kweba na pinasok namin ang Bayukbok, 3 to 4, at 5 to 8 Cave (baka magtaka kayo bakit numbers, yon kasi sabi samin ni kuya Mel sa dalawang cave na pinasok pa namin..at 30 pesos pala bayad per cave. ang 5 to 8 cave labas non ay Madlum cave na dinaanan naman namin nong paakyat kami ng Mt. Manalmon)makikita ang iba-ibang hugis ng stalactites and stalagmites, at rock formation. at nakwento din ni kuya mel na sa Madlum cave daw natagpuan ang statue ni San Gabriel, at may nakita din kaming mga buto ng tao. wala nga lang picture dahil mabilisan yong ginawa namin.

syempre di namin palalampasin na di makaligo sa ilog.
swimming time..pansin ko sa ilog ang bagal ng agos ng tubig,
napaisip nga ako kung stagnant cya eh..hehe
 matapos ang trekking, spelunking, monkey crossing at swimming. nag prepare na kami para umuwi.


sigurado ako ang bango bango ko na jan..hehehe
di pala lahat naligo, ang iba nagwisik-wisik lang ng pabango..hehehe

 twas a fun filled day hike talaga. worth it ang pagod at sulit ang gastos namin. lahat ng activity nagawa namin sa isang buong araw lang.

expenses:
hired van (from Manila to Bulacan) = 3,500.00
raft (one way) = 5.00
cottage   = 50.00
spelunking guide fee = 30.00 per cave
guide =300.00

footwear: sandugo storm sandal
so far di naman ako nabigo na first time ko cya gamitin sa trekking..panalo sa river crossing..