Tuesday, March 27, 2012

gabgalab oh.. Bundok Balagbag

my group decided to schedule a Mt. Balagbag climb, and since I also needed a training climb for Pulag. The group, which was composed of Me, Vic, mam Rona, TJ, Joryl and sir Gerry, prepared the things and foods needed for our 2 days itinerary. We met up at McDo PhilCoa at 1PM and we also had our lunch there. then  took a bus bound to Tungko (P45.00). At Tungko terminal deretso lang tumpok na ang the Licao-Licao terminal papuntang brgy. Licao-licao, the fare was 27.00. After the winding trip, pangatlong klase ng transportation, tricycle naman sinakyan namin. tigtatlo lang ang sakay na tao plus backpack at siningil kami ng 25.00 per head, which was worth every centavos sa sobrang rough ng road at uphill pa. lagi pwesto ko pag tricycle sa back ride. Nauna kami dahil pinili ng driver namin ang malilit ang katawan na pasahero (maliit na daw ako sa tingin ni kuya driver). nahirapan ata yon isang tricycle sa mga pasahero niya, mga damulag naman kasi mga sakay non, malamang kulang pa pamasahe nila sa damage don sa tricycle. since I wasn’t full pack I was leading the group.

pagdaan ng gate, doon sa bahay mag papa register. private property pala yong aakyatin namin.

di ako nagbasa about Mt. Balagbag since we knew someone whom we can ask for directions. It turned out na dapat talaga magbasa. May daladala akong 3.5 Liters of water sa backpack ko cause I thought walang source of water, yan tuloy nagpakahirap pa ako dalhin meron naman pala mapagkukunan don..hmmp..

dapat na talaga palitan pangalan ng grupo namin, LAGING LIGAW mountaineers. naligaw uli kami at as usual  inabot na nga kami ng dilim. nalagpasan na pala namin yong steel gate sa kaliwang bahagi ng daan papuntang camp site, buti na lang may mga tao kaming nakasalubong at tinuro ang tamang daan.

ayan na si sunset..
Habang pabalik kami, nag fetch ng water ang mga barako namin (barako talaga?..hehe). Kaya pala may mga dala silang empty containers. At sa wakas nakita rin namin ang malaking gate na nilagpasan lang namin nong dumaan kami. Ako unang lumapit sa gate, patay lock. Buti na lang at binalikan kami nong mga mamang napagtanongan namin sabay sigaw nasa gilid ang daan. Tinunton ko ang sinabi niya at bongga nakita ko ang trail sign..hahaha grabe lumunlag lahat ng kuko ko at sa wakas di na uli kami maliligaw.

Gradual lang yong ascend niya pero naman feeling ko walang kataposan yong lakaran. Mga ilang minotong pahinga at lakad may naririnig na kaming ingay sa taas. Ang seste lang eh parang dead end na yong trail at lumalayo na kami sa mga boses na nagtatawanan. Check uli kami sa trail at tumigil, sabay isip-isip kung dederitso sa bangin or magbubutas ng bagong trail. Buti na lang si sir Gerry dumiretso at di pala bangin yon, paliko pala ang daan kaya kung titingnan parang bangin na cya. Tuwang-tuwa naman mga kuko ko..haha at sa wakas nakarating na din kami sa camp site.
pahinga while nag-iisip "bat ko pinahihirapan  sarili ko dito"?

medyo madami na din tao don. So we decided di na lumayo pa baka wala na din mapwestohan, sabagay kasya naman ang apat na tent sa pwesto na nadaanan namin. Ang sarap ng hangin don at ang lakas pa.

matapos makapag pitch ng tent at makabihis, nagprepare ang mga boys ng food. Ang girls kasi pinagsisilbihan yan, kaya waiting lang kami.. ang damulag naming kasama lagi kami inuutosan kaya galaw-galaw na din kami.

umaambon don kaya naglagay kami ng malaking fly sheet para di mabasa ang mga pagkain namin. At may gulay ang sarap ng pagkaing niluto ni TJ, sinigang na baboy. meron din kaming fruits.

mga pulubi lang kasi kami kaya yan lang nakayanan namin kainin..
after ng dinner, sinimulan na ang socials. as usual laking si pareng alak ang pinagtritripan.

di ko tuloy maalala kung tumulong ba ako non magligpit ng kinainan? pero parang.
maliit na daw tingin ni kuya driver sakin nyan..hehehe

the BARAKOS...

my concert din sa bundok.. only in Mt. Balagbag
di naman talaga ako umiinom kaya ginagawa nila akong taga tagay. sa grupo kasi namin may labanan ang boys versus girls. patagalan lang naman sa alak. sympre taga tagay ako alams na.. madami bigay ko sa mga lalaki para madaling malasing at panalo kami..bias eh.. girls power rules!.. yon nga talo ang mga boys. ang isa di na nakarating sa tent. nakakahiya ipost ang picture.. kawawa din talo na nga eh.
umagang kay lamig...
may tindahan pala ng alak sa tapat namin, ayon at lasing pa ang bata..hehehe
 since lasing cook namin, late na nakapag luto ng agahan. kinailangan na din namin magligpit dahil maya-maya lalabas na si haring araw. ayaw ko ma burn skin ko na di naliligo ng dagat, wala kasing justice don.
group pic daw minus ako

iniwan na kami sa kapipicture...

may nakapayong sa unahan??
pagbaba namin, dumaan uli kami sa bahay at nag log out na rin. hanap kami ng lugar na maliligoan. sa falls kami na padpad. 8 falls tawag don sa pinuntahan namin kasi daw shape ng 8 yong baba non.
picture uli bago bumababa papuntang falls
private property uli yong napasukan namin. uso kasi don ang gawing private ang daan papuntang falls kaya nagbayad kami ng 5.00 papunta don pero libre na guide ni kuya. pwede rin daw kami magluto don sa bahay nila sa baba at manguha ng pananamin nila pero we opted deretso na sa falls at don na lang magluto.

falls..di lang makita yong shape niya..sayang..





matapos mag lunch, swimming, at magpahinga nagprepare na uli kami para umalis. di kami naka bihis dahil river trekking pala gagawin namin. baka mabasa lang pang-uwi kong damit, isang pares lang dala ko. makikiligo na lang kami pagdating sa terminal.

ito ata pinaka murang climb ko sa taong 2012. sana madami pang ganito..na alams na MURA..hehehe

BTW: if you plan a day hike in Balagbag better protect your skin from the scorching heat of haring araw.

Lesson: always bring umbrella in every climb. may it rain or sunny. it's better when you're ready.

2 comments:

  1. ganda ng ilog Say ah, parang ang sarap maligo.

    ingat kayo sa mga akyat nyo, mahirap maligaw sa lugar na di kabisado, baka may mag-trip sa inyo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sanay na grupo namin laging naliligaw pero infairness mostly naman night trek..hehehe katangahan na lang samin pag day trek pa..hehehe akyat ka uli.

      Delete