matapos ang di inaasahan pangyayari na bungad sakin ng 2012, may maganda din naman gala ang natupad.
noong Jan 14 ay sa wakas natuloy din kami sa one day adventure sa Amansinaya Mountain Resort, Laurel Batangas. medyo malayo nga lang siya kaya naman 4:00am nilalakbay ko na ang kahabaan ng edsa papuntang meeting place namin. as usual pinoy laging late, di nasunod ang call time namin. nakaalis na kami ng manila 5:30AM na. medyo mahaba din ang biyahe at kelangan pa bumaba ng driver para magtanong ng direction.
narating na namin ang resort ng alas siete ey medya. maganda ang panahon non kaya pagkatapos iwan ang gamit sa van dretso na kami sa unang activity: ZIPLINE
nag WALL CLIMBING naman kami. konte lang nagtry dito kc takot ang iba at ang init din. pwede na pang Mang Tomas balat ko non.
matapos masabonan at may nag abang sa dulo ng slide, MUD SLIDE naman tinira namin. first time ko nito kay ilang ulit ako nag slide. hehe para naman sulit diba.
maya maya dumating na service van para ihatid kami sa jump off para sa trekking papuntang Ambon Ambon Falls. mga less than 1 hour din ang trekking sa normal pacing.
makikita na ang Ambon Ambon Falls don pa lang sa Information Counter nila. pero iba din ang malapitan.
pagkatapos ng trekking lahat gutom na, salamat na lang pagdating namin nakahanda na lahat. sarap talaga kumain kung galing ka sa pagod, kaya naman pagkatapos mabusog dretso sa cottage at natulog. natuyo na lang basang damit ko sa pagod.
ang huling activity namin don sa resort ay swimming..hehehe pero naman sobrang init kaya nasa sa ilalim ako ng bridge nagtatago sa init ni haring araw.
hehehe..sarap din yong araw na yon, sayang ngalang at di ko kasama ang thunders. malamang kung kami nandon sinaway na kami dahil sa ingay..hehehe meron pa naman next time.
LESSON: ang pagiging bundokera hindi lang sa bundok lagi ang masayang activity. merong mga man made activities na maappreciate natin. at meron ding makikilala labas sa mountaineering community.
BTW: nakuha namin ang package ng 299 kada tao. sponsor ng Metrodeal..hehehe
Yey, nakakadalawang posts na si Say, tuloy-tuloy na 'to, blogger na din sya talaga. :D
ReplyDeleteAsan mga pics, gaganda ng pics nyo dito eh, add ka pics. :)
bat kaya hanggang ngayon di ko pa rin makuha ang mga picture namin don??hahaha wala pa si tonick...grrrr..hehehe
ReplyDelete