ang Mt. Manalmon ay matatagpuan sa Brgy. Madlum, San Miguel, Bulacan. ito ay may taas na 196 MASL at nasa sa category na minor climb. Parte ito sa kasaysayan ng Biak-na-Bato. Maliban sa pag-akyat sa Mt. Manalmon, maari ding lumangoy sa Madlum River, tumawid sa dalawang cable na kung tawagin don ay Monkey Crossing at higit sa lahat ang mga kweba.
matapos makakuha ng guide at nagpa register, nagsimula na ang aming lakad.
unang hamon: way of the cross -> the stair climb
guys watch your steps daw di sa camera..
unang hakbang ay ang hagdanan..hehehe paakyat ang "Way of the Cross". pagkarating sa grotto ang daan naman ay papasok sa bungad ng Madlum cave. paglabas sa kweba ay pababa naman kami sa unang river crossing.
pangalawang hamon: river crossing
di pa pwedeng magswimming dahil mababaw lang at mauudlot ang finale ng lakad
matapos makatawid, dito na nagsimula ang aming trekking. buti at di kami tinanghali ng alis dahil di pa masyado masakit sa balat ang araw.
meron din kaming mga kasalubong na mga mountaineers. pababa na sila at mukhang nag-overnight sila sa taas. makalipas ang isa't kalahating oras, picture-picture, pahinga at hintayan sa mga nahuli ay narating din namin ang peak ng Mt. Manalmon.
pangatlong hamon: magpa picture sa peak ng Mt. Manalmon
are you afraid of heights??
priceless!! ang unang reaction sa ganda na makikita sa taas. worth it ang lakad. sa bawat bundok na aking mga narating iba-iba ang kanilang ganda at iba iba ang saya na nararamdaman. stress relief at para makalanghap din ng sariwang hangin.
LESSON: try to get a comfort from nature and meet new friends along the journey. more mountain to climb this year.
LESSON: try to get a comfort from nature and meet new friends along the journey. more mountain to climb this year.
Say, Pinagbanderahan na tayo, set mo na. :) Unang akyat ko ito makalipas ang sampung taon, (wahahah, napaghahalata ang edad, ano ba yan!) kaya ayun, ang sakit ng mga buto-buto ng lola mo...hahaha! Salamat sa pagsasama sa 'min Say! :)
ReplyDeleteTPW simulan mo na mag-unat-unat at siguradong isang adventure na naman ang susugurin natin..hehe literal na ba na LOLA..hehehe peace! kung gusto nyo after holyweek dayhike tayo don or hanap tayo uli ng walang pasok kinabukasan para di halata sa office ang sakit ng mga buto-buto ng mga lola natin..!! til our next amazing adventure!!
ReplyDeletezhira thoktok
Hi there!
ReplyDeletemahilig ka pala sa trekking ha.. naexperienced ko rin yan sa palaui island. 5 oras kami naglakad bago makarating sa lighthouse.
Congrats! achievement yan ^_^
thanks!!
Deletecongrats din sa palaui experience mo. iba talaga ang feeling sa trekking.
hi target ko din ma-dayhike ito,hanap lang tyempo tag-ulan na kasi. ^_^
ReplyDelete