Tuesday, March 27, 2012

gabgalab oh.. Bundok Balagbag

my group decided to schedule a Mt. Balagbag climb, and since I also needed a training climb for Pulag. The group, which was composed of Me, Vic, mam Rona, TJ, Joryl and sir Gerry, prepared the things and foods needed for our 2 days itinerary. We met up at McDo PhilCoa at 1PM and we also had our lunch there. then  took a bus bound to Tungko (P45.00). At Tungko terminal deretso lang tumpok na ang the Licao-Licao terminal papuntang brgy. Licao-licao, the fare was 27.00. After the winding trip, pangatlong klase ng transportation, tricycle naman sinakyan namin. tigtatlo lang ang sakay na tao plus backpack at siningil kami ng 25.00 per head, which was worth every centavos sa sobrang rough ng road at uphill pa. lagi pwesto ko pag tricycle sa back ride. Nauna kami dahil pinili ng driver namin ang malilit ang katawan na pasahero (maliit na daw ako sa tingin ni kuya driver). nahirapan ata yon isang tricycle sa mga pasahero niya, mga damulag naman kasi mga sakay non, malamang kulang pa pamasahe nila sa damage don sa tricycle. since I wasn’t full pack I was leading the group.

pagdaan ng gate, doon sa bahay mag papa register. private property pala yong aakyatin namin.

di ako nagbasa about Mt. Balagbag since we knew someone whom we can ask for directions. It turned out na dapat talaga magbasa. May daladala akong 3.5 Liters of water sa backpack ko cause I thought walang source of water, yan tuloy nagpakahirap pa ako dalhin meron naman pala mapagkukunan don..hmmp..

dapat na talaga palitan pangalan ng grupo namin, LAGING LIGAW mountaineers. naligaw uli kami at as usual  inabot na nga kami ng dilim. nalagpasan na pala namin yong steel gate sa kaliwang bahagi ng daan papuntang camp site, buti na lang may mga tao kaming nakasalubong at tinuro ang tamang daan.

ayan na si sunset..
Habang pabalik kami, nag fetch ng water ang mga barako namin (barako talaga?..hehe). Kaya pala may mga dala silang empty containers. At sa wakas nakita rin namin ang malaking gate na nilagpasan lang namin nong dumaan kami. Ako unang lumapit sa gate, patay lock. Buti na lang at binalikan kami nong mga mamang napagtanongan namin sabay sigaw nasa gilid ang daan. Tinunton ko ang sinabi niya at bongga nakita ko ang trail sign..hahaha grabe lumunlag lahat ng kuko ko at sa wakas di na uli kami maliligaw.

Gradual lang yong ascend niya pero naman feeling ko walang kataposan yong lakaran. Mga ilang minotong pahinga at lakad may naririnig na kaming ingay sa taas. Ang seste lang eh parang dead end na yong trail at lumalayo na kami sa mga boses na nagtatawanan. Check uli kami sa trail at tumigil, sabay isip-isip kung dederitso sa bangin or magbubutas ng bagong trail. Buti na lang si sir Gerry dumiretso at di pala bangin yon, paliko pala ang daan kaya kung titingnan parang bangin na cya. Tuwang-tuwa naman mga kuko ko..haha at sa wakas nakarating na din kami sa camp site.
pahinga while nag-iisip "bat ko pinahihirapan  sarili ko dito"?

medyo madami na din tao don. So we decided di na lumayo pa baka wala na din mapwestohan, sabagay kasya naman ang apat na tent sa pwesto na nadaanan namin. Ang sarap ng hangin don at ang lakas pa.

matapos makapag pitch ng tent at makabihis, nagprepare ang mga boys ng food. Ang girls kasi pinagsisilbihan yan, kaya waiting lang kami.. ang damulag naming kasama lagi kami inuutosan kaya galaw-galaw na din kami.

umaambon don kaya naglagay kami ng malaking fly sheet para di mabasa ang mga pagkain namin. At may gulay ang sarap ng pagkaing niluto ni TJ, sinigang na baboy. meron din kaming fruits.

mga pulubi lang kasi kami kaya yan lang nakayanan namin kainin..
after ng dinner, sinimulan na ang socials. as usual laking si pareng alak ang pinagtritripan.

di ko tuloy maalala kung tumulong ba ako non magligpit ng kinainan? pero parang.
maliit na daw tingin ni kuya driver sakin nyan..hehehe

the BARAKOS...

my concert din sa bundok.. only in Mt. Balagbag
di naman talaga ako umiinom kaya ginagawa nila akong taga tagay. sa grupo kasi namin may labanan ang boys versus girls. patagalan lang naman sa alak. sympre taga tagay ako alams na.. madami bigay ko sa mga lalaki para madaling malasing at panalo kami..bias eh.. girls power rules!.. yon nga talo ang mga boys. ang isa di na nakarating sa tent. nakakahiya ipost ang picture.. kawawa din talo na nga eh.
umagang kay lamig...
may tindahan pala ng alak sa tapat namin, ayon at lasing pa ang bata..hehehe
 since lasing cook namin, late na nakapag luto ng agahan. kinailangan na din namin magligpit dahil maya-maya lalabas na si haring araw. ayaw ko ma burn skin ko na di naliligo ng dagat, wala kasing justice don.
group pic daw minus ako

iniwan na kami sa kapipicture...

may nakapayong sa unahan??
pagbaba namin, dumaan uli kami sa bahay at nag log out na rin. hanap kami ng lugar na maliligoan. sa falls kami na padpad. 8 falls tawag don sa pinuntahan namin kasi daw shape ng 8 yong baba non.
picture uli bago bumababa papuntang falls
private property uli yong napasukan namin. uso kasi don ang gawing private ang daan papuntang falls kaya nagbayad kami ng 5.00 papunta don pero libre na guide ni kuya. pwede rin daw kami magluto don sa bahay nila sa baba at manguha ng pananamin nila pero we opted deretso na sa falls at don na lang magluto.

falls..di lang makita yong shape niya..sayang..





matapos mag lunch, swimming, at magpahinga nagprepare na uli kami para umalis. di kami naka bihis dahil river trekking pala gagawin namin. baka mabasa lang pang-uwi kong damit, isang pares lang dala ko. makikiligo na lang kami pagdating sa terminal.

ito ata pinaka murang climb ko sa taong 2012. sana madami pang ganito..na alams na MURA..hehehe

BTW: if you plan a day hike in Balagbag better protect your skin from the scorching heat of haring araw.

Lesson: always bring umbrella in every climb. may it rain or sunny. it's better when you're ready.

Wednesday, March 14, 2012

Spelunking sa Mt. Manalmon

matapos marating ang summit ng Mt. Manalmon, sunod na ang spelunking.

nagpahinga muna kami ng sandali sa cottage bago tumawid sa ilog. may dalawang option ng pagtawid dito. kung takot ka sa taas at di pinagpala sa tangkad, ito para sayo


the RAFT. 5 pesos lang bayad jan sa dalawang minutong pagtawid..hehe
boring..nakaupo lang..hehehe
at sa mga gusto ng ibang paraan ng pagtawid, ito bagay sayo:

the MONKEY CROSSING. sa layo ng pinuntahan di pwedeng di ko matry to..
tubig lang naman babagsakan eh..hehe
kakaiba talga tong monkey crossing. first time tumawid kaya excited.. hehe 

matapos makatawid lahat, may konting trekking papuntang entrance ng cave. nahirapan ang iba naming kasama dahil medyo matarik, matatalim ang mga bato na inaapakan namin at tirik na tirik ang araw.

the GIRLS

the BOYS

matapos ang maikling orientation samin ni kuya Mel, nagsimula na ang adventure.

rappelling para makapasok sa cave..
nakasurvive sa rappelling..


need ipagkasya ang sarili para makatawid..

upu style at kasunod ang kiss-the-wall naman

stalactites..

statue ni san gabriel.. hindi na ito ang original dahil di na daw nabalik yong original
dito rin sa cave na'to nakakita kami ng mga buto ng tao


picture picture muna bago mag-isip pano makakapasok ang sexy-chubby kong body..hehehe
gapang kung sa gapang kaysa maiwan..hehehe
smile pa rin kahit pawisan at amoy ewan na..hehehe

si kuya mel nag-aantay saluhin ang mahuhulog..hehehe joke lang wala naman may nahulog samin..

akalain mo may hagdanan pala don..hehe
at ang finale..hehe 

kakaiba talaga ang experience sa cave. may gapang, kiss-the-wall style, paupu, at may lambitin pa sa baging..ang saya grabe. naalala ko tuloy ang una kong spelunking sa wawa cave na nag-iwan sakin ng permanent remembrance. sa tatlong kweba na pinasok namin ang Bayukbok, 3 to 4, at 5 to 8 Cave (baka magtaka kayo bakit numbers, yon kasi sabi samin ni kuya Mel sa dalawang cave na pinasok pa namin..at 30 pesos pala bayad per cave. ang 5 to 8 cave labas non ay Madlum cave na dinaanan naman namin nong paakyat kami ng Mt. Manalmon)makikita ang iba-ibang hugis ng stalactites and stalagmites, at rock formation. at nakwento din ni kuya mel na sa Madlum cave daw natagpuan ang statue ni San Gabriel, at may nakita din kaming mga buto ng tao. wala nga lang picture dahil mabilisan yong ginawa namin.

syempre di namin palalampasin na di makaligo sa ilog.
swimming time..pansin ko sa ilog ang bagal ng agos ng tubig,
napaisip nga ako kung stagnant cya eh..hehe
 matapos ang trekking, spelunking, monkey crossing at swimming. nag prepare na kami para umuwi.


sigurado ako ang bango bango ko na jan..hehehe
di pala lahat naligo, ang iba nagwisik-wisik lang ng pabango..hehehe

 twas a fun filled day hike talaga. worth it ang pagod at sulit ang gastos namin. lahat ng activity nagawa namin sa isang buong araw lang.

expenses:
hired van (from Manila to Bulacan) = 3,500.00
raft (one way) = 5.00
cottage   = 50.00
spelunking guide fee = 30.00 per cave
guide =300.00

footwear: sandugo storm sandal
so far di naman ako nabigo na first time ko cya gamitin sa trekking..panalo sa river crossing..

Monday, March 12, 2012

Mt. Manalmon Dayhike

parang unang bunkik sa taong 2012, nagpakasunduan namin ng aking grupo, Thunders Mountaineers, at pati na rin mga kasamahan ko sa trabaho na mag dayhike sa Mt. Manalmon noong Enero 22.


ang Mt. Manalmon ay matatagpuan sa Brgy. Madlum, San Miguel, Bulacan. ito ay may taas na 196 MASL  at nasa sa category na minor climb. Parte ito sa kasaysayan ng Biak-na-Bato. Maliban sa pag-akyat sa Mt. Manalmon, maari ding lumangoy sa Madlum River, tumawid sa dalawang cable na kung tawagin don ay Monkey Crossing at higit sa lahat ang mga kweba.


matapos makakuha ng guide at nagpa register, nagsimula na ang aming lakad. 

unang hamon: way of the cross -> the stair climb
guys watch your steps daw di sa camera.. 

unang hakbang ay ang hagdanan..hehehe paakyat ang "Way of the Cross". pagkarating sa grotto ang daan naman ay papasok sa bungad ng Madlum cave. paglabas sa kweba ay pababa naman kami sa unang river crossing. 

pangalawang hamon: river crossing
di pa pwedeng magswimming dahil mababaw lang at mauudlot ang finale ng lakad


matapos makatawid, dito na nagsimula ang aming trekking. buti at di kami tinanghali ng alis dahil di pa masyado masakit sa balat ang araw. 

meron din kaming mga kasalubong na mga mountaineers. pababa na sila at mukhang nag-overnight sila sa taas. makalipas ang isa't kalahating oras,  picture-picture, pahinga at hintayan sa mga nahuli ay narating din namin ang peak ng Mt. Manalmon. 

pangatlong hamon: magpa picture sa peak ng Mt. Manalmon
are you afraid of heights??


 priceless!! ang unang reaction sa ganda na makikita sa taas. worth it ang lakad. sa bawat bundok na aking mga narating iba-iba ang kanilang ganda at iba iba ang saya na nararamdaman. stress relief at para makalanghap din ng sariwang hangin.

LESSON: try to get a comfort from nature and meet new friends along the journey. more mountain to climb this year.

Thursday, March 01, 2012

Amansinaya Mountain Resort gala

matapos ang di inaasahan pangyayari na bungad sakin ng 2012, may maganda din naman gala ang natupad.

noong Jan 14 ay sa wakas natuloy din kami sa one day adventure sa Amansinaya Mountain Resort, Laurel Batangas. medyo malayo nga lang siya kaya naman 4:00am nilalakbay ko na ang kahabaan ng edsa papuntang meeting place namin. as usual pinoy laging late, di nasunod ang call time namin. nakaalis na kami ng manila 5:30AM na. medyo mahaba din ang biyahe at kelangan pa bumaba ng driver para magtanong ng direction.

narating na namin ang resort ng alas siete ey medya. maganda ang panahon non kaya pagkatapos iwan ang gamit sa van dretso na kami sa unang activity: ZIPLINE

nag WALL CLIMBING naman kami. konte lang nagtry dito kc takot ang iba at ang init din. pwede na pang Mang Tomas balat ko non.

matapos masabonan at may nag abang sa dulo ng slide, MUD SLIDE naman tinira namin. first time ko nito kay ilang ulit ako nag slide. hehe para naman sulit diba.

maya maya dumating na service van para ihatid kami sa jump off para sa trekking papuntang Ambon Ambon Falls. mga less than 1 hour din ang trekking sa normal pacing.

makikita na ang Ambon Ambon Falls don pa lang sa Information Counter nila. pero iba din ang malapitan.

pagkatapos ng trekking lahat gutom na, salamat na lang pagdating namin nakahanda na lahat. sarap talaga kumain kung galing ka sa pagod, kaya naman pagkatapos mabusog dretso sa cottage at natulog. natuyo na lang basang damit ko sa pagod.

ang huling activity namin don sa resort ay swimming..hehehe pero naman sobrang init kaya nasa sa ilalim ako ng bridge nagtatago sa init ni haring araw.

hehehe..sarap din yong araw na yon, sayang ngalang at di ko kasama ang thunders. malamang kung kami nandon sinaway na kami dahil sa ingay..hehehe meron pa naman next time.

LESSON: ang pagiging bundokera hindi lang sa bundok lagi ang masayang activity. merong mga man made activities na maappreciate natin. at meron ding makikilala labas sa mountaineering community.

BTW: nakuha namin ang package ng 299 kada tao. sponsor ng Metrodeal..hehehe